Mga senior citizens sa ilang bayan sa Camarines Sur nakatakdang bakunahan ng Janssen Vaccine ngayong araw

NAGA CITY – Halos sabay-sabay na gagawin ngayong umaga sa ilang bayan sa Camarines Sur ang vaccination para sa mga senior citizens na kung saan ang Janssen vaccine ang ituturok.

Kahapon nauna na ang bayan ng Calabanga na kung saan maraming mga senior citizens ang naturukan na galing sa 48 barangay ng bayan.

Ngayong umaga pareho ang gagawin sa bayan ng Cabusao na kung saan ang mga interesadong mga senior citizens ay kailangan lamang na magpa rehistro sa kani-kanilang Barangay Health Stations.

Sa bayan naman ng Bombon na ipost naman sa social media ang imbitasyon ng RHU Bombon para sa mangyayaring pagbabakuna.

Mga senior citizens din ang target nilang bakuanahan na may temang “JANSSEN RESBAKUNA, Isang TUROK todo protektado ka!!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *