US inakusahan ang China ng pagtatago at paglulunsad ng nuclear missiles

Inakusahan ng US scientist ang China na nag-i-expand ng kapasidad nito sa pagtatago at paglulunsad ng nuclear missiles.

Base sa report ng Federation of American Scientists, kita sa satellite images mula sa Xinjiang province ang pagbuo ng nuclear missile silo field.

Kaugnay nito ay nagpahayag ng concern ang US Defense officials dahil sa nuclear build-up na sinasabing ikalawang silo field na naireport sa Western China sa nakalipas na dalawang buwan.

Ayon sa report, kayang mag-accommodate ng 110 silos na underground facilities na ginagamit sa pagtatago at paglulunsad ng missiles.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay naireport sa Washington Post newspaper na mayroong 120 silos na namataan sa site sa disyertong bahagi ng Yumen sa Gansu province.

Una nang inihayag ng Pentagon noong nakaraang taon na handa na ang China na doblehin ang stockpile nito ng nuclear warheads.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *