Mga testigo sa sabungero case, pwedeng makasuhan kung hindi makikipag-ugnayan sa mga pulis

Nakiusap ang Department of the Interior and Local Government sa mga testigo ng mga napaulat na pagdukot at pagkawala ng 31 sabungeros na makipag-ugnayan sa mga otoridad.

Nagbabala si Interior Secretary Eduardo Año na pwede silang makasuhan kung tatanggi ang mga testigo na makipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).

Iginiit ni Año na delikado ang kanilang lagay lalo na at 31 counts of kidnapping ang pinag-uusapan.

Naniniwala si Año na ito lamang ang paraan upang maresolba kaagad ang isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *