Bilang ng mga nahuhuling isda, kumokonti dahil sa “overfishing” ng China – PRRM

Ibinunyag ng Philippine Rural Reconstruction Movement na patuloy ang pagbaba ng mga nahuhuling isda ng Pilipinas dahil sa “overfishing” ng Chinese vessels sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni PRRM president Edicio dela Torre na bukod sa pagbaba ng suplay ay tumataas mna rin ang presyo ng mga isda na napoprodus ng bansa.

Ang PRRM ay isang non-government organization na nagsusulong ng food security at self-sufficiency para sa bansa.

Kamakailan ay inaprubahan ng Department of Agriculture ang importasyon ng 60,000 metric tons ng isa, kabilang na ang galunggong sa unang quarter ng 2022 para paigtingin ang local supply.

Nakabase ang fish importation plan sa projection ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na may potensyal na supply deficiency na 119,000 metric tons sa bansa dahil sa closed fishing season.

Bukod rito ay labis rin naapektuhan ng Bagong Odette ang nasabing sektor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *