Mga tricycle na ‘round-round’ nangunguna sa over charging ayon sa SK3

SORSOGON CITY – Inihayag ng Task Force SK3 ng Lokal na Pamahaalan ng lungsod ng Sorsogon na ang mga ‘round round’ na namamasadang tricycle ang pinaka-pasaway pagdating sa sobrang paniningil ng pasahe sa mga commuters.

Sa panayam ng Brigada News kay Arnel Anchinges ang head ng opisina, sinabi nito na kada buwan mahigit- kumulang sa 100 reklamo ang kanilang natatanggap at karamihan sa mga ito ay over charging mula sa mga tricycle na round round.

Paglilinaw ng opisyal, dito kasi nagkakaroon ng mga aregluhan sa pasahe dahil kaya nitong magsakay ng kahit na ilan kumpara sa mga may ruta at pumipila sa  terminal na sumusunod umano sa tamang pasahe kung kaya’t dito talaga mas nagiging kampante ang mga commuters. Kaugnay nito, panawagan ng opisyal sa mga drivers ng round round na maging patas at maningil lamang ng tama lalo pa’t sa kasalukuyan ay halos lahat  ay dumaranas ng krisis kung saan hindi umano magdadalawang-isip ang kanilang hanay na panagutin ang sinumang driver na mang-aabuso sa mga mananakay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *