MHO Camalig sa Albay magsasagawa ng Satellite Vaccination para sa mga Senior Citizen

LEGAZPI CITY – Nakatakda bukas ang isasagawang Satellite vaccination site sa Barangay Cotmon bayan ng Camalig para sa mga Senior Citizens.

Ito ang nakuhang impormasyon ng Brigada News Fm Legazpi mula sa Municipal Health Office ng  Local Government Unit (LGU) Camalig.

Ayon sa MHO, magsasagawa ng satellite vaccination sa nasabing barangay para sa mga A2 Priority Group kung saan Janssen ang gagamitin na ituturok na bakuna.

Aniya, hindi lang barangay Cotmon na mga senior citizen ang tuturokan ng nasabing bakuna dahil kabilang rin dito ang Barangay Comun, Maninila, Binitayan, Del Rosario, Panoypoy, Taplacon, Taloto, Taladong, Mabunga, Magogon, at Barangay Solong.

Layunin ng LGU ang pagsasagawa ng satellite vaccination ay hindi na kailangan pang bumaba ng centro at mamasahe para lang magpabakuna.

Maaari naman magtungo sa Camalig National High School sa Brgy. Ilawod tuwing Myerkules at Byernes sakali man hindi makapunta ang mga senior citizen   sa darating na byernes na bakunahan sa Cotmon.

Sinabi rin ng MHO, tumatanggap ang mga ito ng walk ins applicants na Senior Citizens ngunit kailangan rin muna na magsabi sa kanilang barangay health workers (BHW) na magpapabakuna ang mga ito sa nakatalaan na araw ng pagpapabakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *