MHO Camaligan, nagpa-alala vs paghampas sa likod at pagpoprosisyon ng walang sapin sa paa bilang penitisya sa Semana Santa

CAMARINES SUR – Nagpa-alala ang Municipal Health Office ng Camaligan, Camarines Sur, na kung maaari ay iwasang saktan ang sarili sa pamamagitan ng paghampas sa likod at dapat pa ring may proteksyon o sapin sa paa sa prosisyon bilang penitisya ngayong Semana Santa.

Sa panayam kay Dr. Nonoy Severo, Head ng MHO Camaligan, sinabi nitong napakadelikado kasi lalo na’t ang iba sinusugatan muna ang likod sabay hampas na maaaring matitano at maaari pang ma-inpeksyon, sa paa naman maliban sa maaaring masugatan din dahil sa sobrang init, hindi rin maiiwasan na magka-sun burn o mapaso dahil sa init ng panahon.

Ayon pa sa doktor hindi sa pinagbabawal nila ang ganitong naka-ugalian kaya lamang, malinaw na hindi na nila hinihikayat na gawin pa ito lalo na’t nagbabago na ang panahon, hindi rin naman ganito ang turo ng Simbahan bagkus ay ang pagnilay-nilay, paghingi ng tawad at pag-aala-ala sa sakripisyo ni Hesu Kristo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *