MISSING │ Mag-anak mula sa Balabac, pinaghahanap!

Inulat na nawawala ang limang (5) miyembro ng pamilya mula sa Mangsee sa Balabac, Palawan.

Ayon kay Alrahimeen Tanjilani, ang dalawa niyang magulang, isang kapatid at dalawang pinsan ang sakay ng lantsa na pinaghahanap din ngayon.

Kinilala ang mga pinaghahanap na sina Mitra Jain Tanjilani,kawani ng MDRRMO Balabac, Norpida Ibnohasan Tanjilani, Abraham Ibnohasan Tanjilani, Nur-amin Sarabi Tanjilani at Alrajin hiya-hiya Ibnohasan.

Umalis umano ang lantsa nitong April 4, 2022 bandang tanghali papuntang mula sa Mangsee patungo sa mainland ng Balabac subalit hanggang ngayon ay wala pa siyang balita tungkol sa kinaroroonan ng mga mahal sa buhay.

Samantala, naipag-bigay na sa awtoridad ang insidente at nagkaroon na rin ng paghananap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *