Mister na nag-donate ng kidney sa kaniyang asawa, binabawi ang kidney matapos itong makipag-divorce sa kaniya

Kapag mahal mo, mistulang ibibigay mo ang lahat, maging ang kidney mo.

Ganiyan mismo ang nangyari ilang taon na ang nakalipas sa isang lalaki na i-dinonate ang kaniyang sariling kidney para sa kaniyang minamahal na asawa.

Mula sa dalawang beses na failed kidney transplant ng babaeng si Dawnwell, idinonate mismo ni Richard Batista sa kaniyang asawa ang kaniyang kidney.

Ngunit, makalipas ang apat na taon, dahil sa kanilang mga hidwaan na umabot umano sa pananakit ni Richard kay Danwell.

Dahil ditto, humantong naman sila sa hiwalayan o nakipag-divorce si Danwell.

Umalma naman si Richard dito kung saan, ikinonsulta niya sa eksperto ang halaga ng kaniyang kidney at agad din nagpa-interview sa media.

Dito niya ipinanawagan na ibalik umano ng kaniyang dating asawa ang kaniyang kidney o magbayad ng tumatagingting na $1.5 million o aabot lang naman sa P84 million.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *