Kooperatiba sa Polomolok, binalaan ni Gov.Tamayo dahil sa vote buying

KORONADAL CITY – ISINIWALAT ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr ang diumano’y vote buying sa bayan ng Polomolok sa katatapos lang na Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections kung saan dawit ang Dolefil Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative o DARBC.

Sa isinagawang Flag Raising ceremony sa kapitolyo noong Lunes, inihayag ni Tamayo na sa halip na pera, ‘coupon’ para DARBC Supermarket na may pangalan ng kandidato ang ibinigay sa mga botante.

Ayon sa gobernador na ginawa na rin umano ito ng DARBC noong 2022 elections. Dahil dito, nagbabala si Governor Tamayo sa DARBC na tanggalan na ng posisyon ang mga taong dawit sa ‘vote buying’, dahil kung hindi ay siguardong maaapektuhan ang buong kooperatiba sa gagawin nitong hakbang dahil ito ay kanyang ipapaabot sa national government at Cooperative Development Authority (CDA).

Aniya, hindi nito gustong ginagamit ang anumang kooperatiba sa pamumulitika ng ilang indibidwal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *