Monthly Honorarium ng mga BHW na under ng munisipyo sa Masinloc tataas

Aprobado na ng Sangguniang Bayan ng Masinloc, Zambales ang isang resolusyon na humihiling na itaas ang buwanang honorarium ng mga Barangay Health Workers na nasa ilalim ng munisipyo.

Base sa resolusyon, mula sa dating 3,310 at tataas na ng 4,000 ang kanilang matatanggap.

Ang pag-aproba ay kasunod ng naging request ng Local Chief Executive sa Sangguniang Bayaan na taasan ang monthly honorarium ng mga ito.

Ito ay dahil na rin umano sa kasalukuyang gastusin at dagdag na trabaho na inaatang sa mga BHW.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Kon. Hazel Lim

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *