Monthly pictorial ng sanggol na may “kakanin concept” viral online!

Kinagiliwan ng mga netizens online ang nag viral na mga larawan ng isang sanggol na si “Baby Jada” bilang bahagi  ng kanyang ‘monthly pictorial.’

Hindi kase naging pangkaraniwan ang naging konsepto ng photo-shoot ni Baby Jada dahil binihisan ito ng “kakanin costumes” ng kanyang napaka creative na mommy Ivy Tria.

Sa mga ibinahaging larawan, makikita na sa kanyang 1st Month nagbihis Palitaw si Baby Jada; Suman naman sakanyang 2nd Month; Kutsinta sakanyang 3rd Month; Puto with Cheese naman sakanyang 4th Month pictorial; Putobombong sa ika-limang buwan at Biko naman ngayong siya ay 6th month old.

Ayon sakanyang mommy Ivy, ito ang naisip nilang konsepto dahil wala pang ibang nakakagawa nito at paborito ng kanilang pamilya ang pagkain ng mga kakanin.

Sa kasalukuyan, humakot na ng libo-libong reactions, comments at shares ang napaka cute at creative na photo shoot ni Baby Jada.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *