MPBL, inanunsyo ang pag-alis ng Tarlac United Force sa torneo

Inanunsyo ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang pag-alis ng Tarlac United Force sa torneo dahil sa “unfulfilled financial obligations.”

Maalalang sumali lamang ang koponan mula sa Central Luzon noong nakaraang buwan bilang isang expansion team at hindi pa nakakapaglaro sa basketball tournament.

Hindi ipinaliwanag ng liga ang mga detalye ng mga nabigong pangako ng koponan, ngunit nagpahayag ng “pasasalamat” sa suporta ng mga TarlaqueƱo.

Kasalukuyan mayron pa ring 14 na koponan ang North Division, habang 15 naman sa South Division.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *