MTRCB, nangako na ipagbabawal ang pelikulang ‘Plane’ sa PH

Nangako ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na ipagbabawal ang pagpapalabas ng international movie na “Plane” sa mga sinehan sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Robinhood Padilla, na nakatanggap siya ng commitment mula sa mga opisyal ng MTRCB sa pangunguna ni Chairperson Lala Sotto nang magkita aniya sila sa kanyang tanggapan sa Senado .

Ito ay kasunod ng kanyang mga concerns tungkol sa umano’y bad image na ipinakita ng pelikula tungkol sa bansa.

Nagpasalamat ang dating action star kay Sotto sa pangako nitong tatawagin ang atensyon ng Philippine distributor ng pelikula.

Matatandaang, sa kanyang manipestasyon noong Februray 15 sa Senado, kinondena ni Padilla ang paglalarawan ng Pilipinas sa “Plane,” at sinabing ang reputasyon ng bansa ang nakataya rito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *