Municipal Comprehensive Land Use Plan (MCLUP) ng bayan ng Capalonga, tapos na!

CAMARINES NORTE- Tapos na ang Municipal Comprehensive Land Use Plan (MCLUP) sa bayan ng Capalonga

Ito ay matapos ang ginawang pagpupulong ng LGU sa pamumuno ni Mayor Luz Ricasio nitong miyerkules, June 22,2022 kasama ng Municipal Engr. at 22 kapitan ng Barangay

Ang Municipal Comprehensive Land Use Plan (MCLUP) ay isang plano na tumutukoy sa pagtatalaga ng klasipikasyon ng lupa sa bawat bayan o probinsya sa usaping agricultural, industrial, commercial o residential

Sa kasalukuyan, sa lalawigan ng Camarines Norte pito (7) pa lamang  sa labindalawang (12) bayan ang may Municipal Comprehensive Land Use Plan (MCLUP)

Tiniyak rin ng alkalde na marami pang magagandang serbisyo publiko, programa at proyekto ang pakikinabangan ng mga Capalongueṅos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *