Muslim Cam Norteños nagtipon- tipon kaninang umaga para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha

CAMARINES NORTE- Nagtipon-tipon kaninang umaga sa covered court ng Barangay Borabod dito sa bayan ng Daet ang Muslim community sa lalawigan ng Camarines Norte para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Ayon kay Hadji Nasser Dimalna, Pangulo ng Muslim Community sa Daet, at Pangalawang Pangulo ng Salaam Police Advocacy Group (SPAG) sa Bicol Region, hangad umano ng kanilang komunidad ang kapayapaan sa buong mundo, magmahalan ang bawat isa at walang mahulog sa impiyerno.

Ang Eid’l adha o Feast of Sacrifice ay ang paggunita sa sakripisyo ni Ibrahim sa pag- aalay ng kaniyang anak na si Ismael sa Allah.

Hudyat din ito ng pagsisimula ng Haj o paglalakbay sa banal na lungsod ng Mecca sa Saudi Arabia, ang sentro ng relihiyong Islam.

Ang Hajj ay itinuturing ng mga Muslim na spiritual climax ng kanilang buhay at isa sa pinakamahalagang event sa Islam.

Isa rin ito sa pinakamalaking pagtitipon sa buong mundo.

Itinuturing na isa sa limang pillar ng Islam, ang Hajj pilgrimage na obligasyon sa mga muslim na may kakayahang bumiyahe patungo sa naturang lugar.

Gayunman sinabi ni Dimalna na sapat na ang ginawa nilang panalangin kaninang umaga para sa mga walang kakayahang mag- pilgrimage sa Mecca.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *