Gubatnon, kinoronahan bilang Miss Gay Pili Queen 2023

Nasungkit ng kandidata mula sa bayan ng Gubat ang korona sa katatapos lamang na coronation night ng Miss Gay Pili Queen 2023 kagabi.

Kinoronahan bilang Miss Gay Pili Queen 2023 si Carly Ramos kung saan tinanggap din nito ang gantimpalang nagkakahalaga ng P100K.

Si Christine Sioson naman mula sa Guinobatan, Albay ang tinanghal na Miss Gay Pili Queen Tourism 2023 na nakatanggap ng P60K habang Miss Gay Pili Heritage 2023 si Mia Angela Rañosa  ng Oas, Albay na nakatanggap ng P40K.

Si Jewel Olivera naman mula sa Guinobatan, Albay ang nakakuha ng  2nd Runner-Up na mayroong P20K na premyo habang ang pambato naman ng bayan ng Pilar na si Maria Carla Alcantara ang 2nd Runner-Up na nakatanggap ng P10K.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng nagpapatuloy na pagdiriwang ng Pili Festival 2023 kaugnay ng Sorsogon City Fiesta Celebration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *