Naga City Health Office Best Group Team sa Training of Trainers ng DOH

NAGA CITY – Best Group Teamang Naga City Health Office sa ginawang limang araw na Training for Trainers na nilahukan ng mga medical personnel kabilang na ng mga doctor, nurses at mga barangay health workers na pawang mga midwives.

Mula sila sa mga lalawigan ng Albay, Sorsogon, Masbate, Catanduanes, Camarines Norte at Camarines Sur.

Ang programang ito ng Department of Health ay ang Training of Trainers for Barangay Health Workers on the updated Reference Manual na ginawa noong Lunes, Nobyembre 21 at nagtapos Biyernes Nobyembre 25, sa Malilipot, Albay.

Dumalo rin si Asst. Reg Director Dr. Ferchito Avelino at iba pang opisyal ng DOH.

Sa Naga City si Magno Reyes at si Nelia Benito, na parehong registered nurse ang naging representative ng City Health Office.

Batay sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Reyes, sinabi nitong hindi naging madali ang kompetisyon nila dahil sa may mga doctor na kalahok mula sa ibang lalawigan.

Aniya ang natutunan nila sa training seminar ay ibabahagi rin nila lalo na sa mga BHWs para mapalawak pa ng mga ito ang pagsisilbi sa barangay.

Magsasagawa rin sila ng ganitong programa sa 27 barangay ng lungsod.     

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *