Nahuling 22 ft. na sawa, planong ipreserba; tinatayang 40 anyos na

NORTH COTABATO – Plano ngayon ng lokal na pamahalaan ng Tulunan, North Cotabato na ipreserba at idisplay sa munisipyo ang nahuling 22 talampakang python o sawa.

Ayon kay Tulunan MDRRMO head Ernie Diaz, patay na ang ahas ng itinurn-over kagabi sa kanilang tanggapan.

Sinabi ni Diaz na ang naturang sawa ay ibinenta ng isang residente ng Sitio Pigtad, Brgy. Dungos ng naturang bayan.

Nasita lamang umano ng mga opisyal ng barangay ang planong pagbenta nito kaya naiturn-over sa MDRRMO.

May malaking sugat sa ulo ang ahas na posibleng tinaga ng mga nakahuli.

Sa pagtaya ni Diaz, nasa 40 taon na ang tanda ng ahas kung pagbabasehan ang laki nito at posibleng nagmula sa Ligwasan Marsh.

Pinag-iingat naman nito ang mga nakatira malapit sa lugar kung saan nahuli ang ahas dahil posibleng may iba pa itong mga kasamahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *