Navforsol may panawagan sa susunod na presidente ng bansa

LEGAZPI CITY – Inaasahan ng mga mamamayang Pilipino at Naval Forces Southern Luzon na sanay maipagpapatuloy pa rin ang mga nasimulan na pagbabago sa mga kagamitan na pandigma.

Ayon kay Commodore Jose Ma Ambrosio Ezpeleta ang Commander ng Naval Forces Southern Luzon, panawagan nito sa susunod na mahahalal na pangulo ng bansa ay pangalagaan ang national teritory at suportahan ang ginagawang pag upgrade ng modernization ng mga kagamitan.

Aniya, huwag sana umano babalewalain ang mga nasimulan na programa sa hukbong sandatahan at pandigma ni President Rodrigo Roa Duterte upang hindi masayang ang mga nasimulan na pagbabago.

Dagdag pa nito, kailangan mas mapalakas pa ng gobyerno ang military sa bansa ngunit paglilinaw nito ay hind lahat ay military umano ang magiging solusyon sa kinakaharap na mga problema ng bansa.

Inihalimbawa rin nito sa pagitan ng mga rebeldeng Npa at west Philippine Sea kung saan ay may solusyon sa problema ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *