NBA, pansamantalang pinagbawalang maglaro sina Dunn ng Utah at Smith ng Houston

Matapos ang hidwaan sa isang laro, sinuspinde ng NBA si Utah Jazz guard na si Kris Dunn ng dalawang laro, habnag isang laro namang suspindo ang Houston forward na si Jabari Smith Jr.

Naganap ang alitan limang segundo sa second quarter ng 147-119 home victory ng Houston laban sa Utah noong Sabado.

Nasuspinde si Dunn dahil sa pagsisimula ng isang alitan at panununtok kay Smith, na nakatanggap ng one-game fighting ban.

Parehong nabigyan ng technical fouls ang dalawang manlalaro at na-eject sa laro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *