Sarah Geronimo at Mommy Divine, nag-uusap na ulit

Nakakausap na muli ng Pop Star Royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang inang si Divine Geronimo.

Kinumpirma ito ni Sarah matapos niyang makatanggap ng pagbati mula sa kanyang ina dahil sa mga natatanggap nitong achievements kamakailan.

Isinagaw niya agad ang “Thank you, Lord!” at “I love you, Ma!”

Matatandaan na ang lihim na kasal ni Sarah kay Mateo Guidicelli ay nagresulta sa tampuhan sa kanyang mga magulang.

Kamakailan lang ay pinarangalan si Sarah ng Woman of the Year award ng Billboard Philippines.

Siya rin ang kauna-unahang Pilipinang nakatanggap ng Global Force award sa Billboard Women in Music, na ginanap sa Los Angeles, California.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *