New Philippine Passport Act, nilagdaan na ni PBBM bilang batas

Ganap nang batas ang New Philippine Passport Act matapos itong lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa ilalim ng “New Philippine Passport Act,” inatasan ang DFA na magtatag at magpanatili ng isang online application portal and Electronic One-Stop Shop na madaling ma-access sa kanilang opisyal na website.

Ang Republic Act No. 119831 na nilagdaan nitong March 11 ay mag-aamyenda sa umiiral na Republic Act No. 8239, or the Passport of 1996.

Sa ilalim nito pinahihintulutan na ang DFA na mag-alok ng offsite at mobile passport services sa mga lugar na nasa labas ng consular office at foreign service posts.

Inaatasan din ng bagong batas ang DFA na i-accommodate ang mga aplikasyon ng regular na pasaporte ng mga senior citizen, PWD, buntis, menor de edad na pitong taong gulang pababa, solo parents, OFW, at mga indibidwal na may emergency at exceptional cases.

Mahaharap naman sa pagkakulong ng hindi bababa sa 12 taon o pagmumulta ng hindi bababa sa isang milyon at hindi lalagpas sa 2 milyon ang sinumang indibidwal o entity na mag coconfiscate, retains o withholds ng mga passport ng walang legal authority.

15 years imprisonment at multa naman na hindi bababa sa 100 thousand at hindi lalagpas sa 250 thousand ang kakaharapin ng mga mamemeke ng pasaporte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *