NSC: hindi nagpaalam ang bansa sa China sa matagumpay na RORE mission

Muling nanindigan ang National Security Council o NSC na hindi nagpaalam ang bansa sa China sa matagumpay na rotation at resupply mission ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni NSC Assistant Dircetor General Jontahan Malaya, na ang pagsasagawa ng RORE ay paggigiiit ng karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Nauna nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines na naging flawless ang panibagong RORE mission sa Ayungin Shoal.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla naging maganda sa pangkalatahan ang itinakbo ng barko na naghatid ng supply sa tropa ng sundalo na naka destino sa BRP Sierra Madre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *