NTF-ELCAC nagpahayag ng suporta kay DOJ Sec. Remulla

Nagpahayag ng suporta si National Taskforce to End Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla kasunod ng pag-aresto sa kanyang anak dahil sa umano’y pagkakasangkot sa importasyon ng P1.3 milyong halaga ng high-grade marijuana.

Sinabi ng NTF-ELCAC legal cooperation cluster na ang kasalanan ng anak ni Remulla ay hindi dapat ipasa sa DOJ chief.

Sa isang statement inihayag ng taskforce na ang pag-gigiit sa pananagutan sa kalihim dahil sa kasalanan ng kanyang anak ay hindi angkop sa Biblical at legal principles.

Dagdag pa ng anti-communist task force na “salungat sa mga sinasabi ng mga kritiko, ang insidenteng ito ay nagpapakita sa mamamayang Pilipino at sa mundo na ang mga gulong ng hustisya sa Pilipinas ay umiikot at gumagalaw.

Sa halip na gamitin ang kanyang posisyon pabor sa kanyang anak, isinakripisyo umano nito ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak para sa kanyang higit na pagmamahal sa bayan at para sa katarungan na magtagumpay.

Samantala una nang sinabi ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), na ang insidenteng ito ay isang “litmus test” ng integridad ng sistema ng hustisya sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *