OCTA: Halos lahat ng probinsya, nasa downward trend na COVID-19

Napansin ng OCTA Research Group na nasa downward trend na ang halos lahat ng probinsya sa Pilipinas sa mga bagong kaso ng COVID-19.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, ilang probinsya nalang ang nakitaan ng positive growth rates ng infections.

Sinabi ni David na ang 7-day average ng mga bagong kaso sa bansa ay nasa 8,400 pa, pero maari na itong bumaba sa 5,000 sa susunod na linggo, at halos 1,000 hanggang sa 2,000 sa katapusan ng Pebrero.

Sa gitna nito, umaasa ang OCTA na bababa ang positivity rate ng bansa sa “pre-omicron” surge level pagdating ng Marso. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *