OCTA, inaasahan na ang pagbababa ng emergency declaration ng COVID

Inaasahan na raw ng OCTA Research ang pagbababa ng emergency declaration ng COVID-19 sa buong daigdig.

Sa isang panayam, sinabi ni OCTA fellow Guido David na kagaya ng Pilipinas – marami na ring ibang mga bansa ang nag-end na rin ng kani-kanilang national declaration ng state of emergency.

Inihalimbawa ni David ang kaso ng dengue na isa nang endemic.

Paliwanag niya, kahit na wala namang emergency declaration para sa dengue, may naitatala pa rin namang mga wave ng infections ito.

Sa ngayon, dapat umanong maging malinaw sa mga Pilipino na bagamat wala nang emergency declaration ng COVID-19 – naririto pa rin ang virus.

Ang pinagkaibahan nga lang daw sa ngayon – iba na ang sitwasyon, at malayo na ito sa estado ng pandemic noong 2020.

Sa huli, tiniyak ni David na magpapatuloy pa rin ang pagre-release nila ng mga advisories dahil mahalagang malaman ng publiko ang abiso hinggil sa kasalukuyang bilang ng mga infections sa bansa. //LGD edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *