OCTA: PH ‘very low risk’ na para sa COVID-19

Tinukoy ng independent monitoring group OCTA Research na ang Pilipinas ay nasa “very low risk” na para sa COVID-19, sa gitna na ang mga kalapit na mga bansa gaya ng Vietnam, Malaysia, Singapore, at Brunei ay nakakaranas ng surge in infections.

Paliwanag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, nagtala ang Pilipinas ng average daily attack rate (ADAR) na 0.47 noong March 18, na may seven-day average na 527 cases.

Samantala, ang growth rate naman ng bansa sa mga bagong kaso mula noong nakaraang linggo, kumpara sa kasalukuyang linggo, ay nasa -22%.

Sinabi rin ng OCTA na ang Timor Leste, Taiwan, Cambodia, at China ay nasa “very low risk” na para sa viral disease na may ADAR na nasa 0.13 hanggang 0.86.

Sa ngayon, ang Pilipinas partikular na ang National Capital Region at 47 iba pang lugar, ay nasa ilalim ng Alert Level 1 mula March 16 hanggang March 31.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *