Olympian Elreen Ando pangungunahan ang PH weightlifting team sa Asian Games

Pangungunahan ni Tokyo Olympian na si Elreen Ando ang Philippine weightlifting team sa aksyon sa 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia sa susunod na buwan.

Bababa si Ando sa lower weight claas at susubukan ang kanyang kapalaran sa women’s 59kg.

Makakasama ni Ando sa women’s field sina Vanessa Sarno, Angeline Colonia, Lovely Inan at Rosalindo Faustino.

Samantala, pinaghahandaan na rin ng PH team ang 2023 Asian Weightlifting Championships na tatakbo mula May 3 hanggang 13 sa South Korea, habang ang SEAG ay gaganapin mula May 5 hanggang 17.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *