Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, nakauwi na sa Pilipinas

Balik bansa na ang Filipino pride na si Hidilyn Diaz, dalawang araw matapos nitong masungkit ang gintong medalya sa weightlifting event ng Tokyo Olympics.

Dumating si Diaz sa Pilipinas galing Tokyo nitong Miyerkules sakay ang kaniyang Philippine Airlines flight.

Lumapag ang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport pasado alas-5 ng hapon.

Nagkakaroon naman si Diaz ng courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte via Zoom kung saan ay pinangakuan siya nito ng fully furnished house and lot.

Bukod diyan ay inaasahang makakatanggap si Diaz ng tinatayang nasa P40.5-million na halaga ng incentives at cash rewards mula sa ilang business tycoons at politiko, lifetime free flights, 13-seater van, condo unit at iba pa mula sa iba’t-ibang kompanya.

Kung maalala ay gumawa si Diaz ng kasaysayan matapos nitong makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa loob ng halos isang siglo, nang magdomina siya sa women’s -55 kilogram final.

Nagtala rin si Diaz ng bagong Olympic record na 127 kg lift at total combined lift na 224 kg.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *