Opisyal na deklarasyon ng Archdiocese ng Caceres hinggil sa pagkakaroon na ng mga aktibidad ngayong Semana Santa sa Naga City hinihintay pa ng Liga ng mga Barangay

NAGA CITY – Nararamdaman na ngayon ng mga barangay opisyal ng Naga City ang excitement o kasabikan sa muling pagkakaroon ng mga aktibidad pang simbahang katolika ngayong semana santa.

Ilan sa mga ito ay nakipag-usap na sa parokyang kanilang nasasakupan para sa posibleng paghahandang dapat gawin na kung saan ay may mga pauna ng nabuong mga plano.

Kaugnay nito,nakapanayam ng Brigada News FM Naga si Liga Pres. Antonio Dodit Beltran hinggil sa bagay na ito,  nabanggit niya na possible ngang magkaroon na ng mga pagpo prusisyon at iba pang mga aktibidad, subalit ito’y magde depende pa rin sa Archdiocese ng Caceres. Para sa Naga, wala pang inilalabas na opisyal na deklarasyon ang Caceres tungkol dito na siya naman nilang hinihintay para mabuo na rin ang kanilang mga programa ayon kay Beltran.

Kung sakali man, asahan na ng publiko ang mga mangyayaring mga programa at aktibidad sa simbahan ngayong semana santa.  Sa katunayan ibinalik na ang via crusis , sa ilang Parokya ipinakilala na ang mga kandidato sa Easter Angel 2022.

Una nang sinabi sa BNFM Naga ni Caceres Commission on Communication head Fr. Louie Occiao na sa Camarines Sur na nanatili sa Alert Level 2, mobile procession ang gagawin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *