Opisyales ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte, dadalaw sa mga bara-barangay

CAMARINES NORTE- Dadalaw na sa mga barangay ng Camarines Norte ang mga opisyales ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ito ay pangungunahan umano ni Governor Dong Padilla  at Vice Governor Engr. Joseph Ascutia , simula ngayong araw, Mayo 19, 2023.

Yan ay sa pamamagitan umano ng programang USSAP o Ugnayan sa Siguradong Serbisyong Alay Pambarangay, kung saan mayroon itong medical at dental team mula sa Camarines Norte Provincial Hospital at may libreng gamot para sa mga barangay ng Pinagtigasan, Banocboc at Mangcawayan sa isla ng Calaguas, bayan ng Vinzons.

Bukod dito, may libreng gupit din, salaming pambasa at tsinelas na dadalhin sa kanila.

Mamamahagi din ng food packs, assistive devices tulad ng wheelchair, crutches, walker at quad cane.

Ipapaliwanag rin ng PSWDO at Tanggapan ng Dong Tulong kung ano ang mga requirements sakaling may hihingi ng tulong sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Emergency Shelter Assistance, application for medical, burial at financial assistance maging ang minor at surgical operation.

Sa USSAP, tatanggapin rin ng mga kasalukuyang grade 7 student’s ang financial aid mula sa kapitolyo na halagang dalawang libong piso bawat isa sa ilalim ng programang Provincial Government High School Education Assistance Program o PGHSEAP na para sa mga mag-aaral ng Pinagtigasan Integrated School na may 39 na makakatanggap, 82 sa Eugenia Quintela Memorial High School, at 79 sa Mangcawayan Integrated

Dala rin ng USSAP ang mandatory financial assistance o aid na one thousand pesos para sa barangay LGU. Ayon sa PTO, ang nasabing halaga ay  once a year na  ibinibigay sa 282 barangays ng Camarines Norte susog sa section 324  ng Republic Act 7160 o Local Government Code. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *