OTS Head Supervisor, itinangging siya ang nag-utos na lunukin ang $300 mula sa isang foreigner

Dumipensa sa akusasyon ang Head Supervisor ng Office for Transportation Security (OTS) personnel na umano’y lumunok ng pera ng isang pasaherong Chinese sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mariing sinabi ni OTS Head Supervisor Security Screening Officer (SSO) Abraham De Luna na hindi niya inutusan ang babaeng OTS personnel na viral ngayon sa isang video na pinipilit lunukin ang pinaniniwalaang nawawalang $300 ng nagreklamong Chinese National.

Taliwas naman ito sa makikita sa closed-circuit television (CCTV) footage na may nag-abot ng tubig sa akusadong tauhan ng OTS na sinasabing si De Luna.

Kaugnay nito, kinumpirma ni OTS Administrator Maria O Aplasca na nasa tanggapan na niya ang counter-affidavit ng mga akusado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *