P1,000 na monthly allowance para sa solo parent sa Naga, posible nang maipamigay sa 2025

NAGA CITY – Posible nang maipamigay ang P1,000.00 monthly allowance para mga solo parent sa Naga City.

Sa anunsiyo ni Mayor Nelson Legacion, nilalakad na ang mga kinakailangan base sa Expanded Solo Parents Welfare Act o Republic Act 11861 ang Lokla na Pamahalaan mismo ang naghahanap ng pondo.

Sa panayam kay Jessie Morillo, ang Federation President ng Naga City Solo Parent, construction worker at lima ang anak, sinabing malaking bagay para sa kanila na mga nag-iisang nag-aalaga sa kanilang mga anak, ang mga benepisyong natatanggap lalo na ang pagiging ama at ina sa mga anak hindi madali, kailangan ng balansyadong oras, handa physically, emotionally lalo na sa mga anak na babae.

Isa sa naitutulong sa kanila, ang educational assistance sa kanilang mga anak na malaki ang kaginhawaan. Maliban pa riyan pabor si Morillo sa nais ipatupad na paglibre sa mga dokumento na bawas sa kanilang gastusin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *