P200k maaaring mawala sa mga retailer sa loob ng isang buwang price ceiling ng bigas

Unang araw pa lamang kahapon ng ipinatutupad na price ceiling sa bigas ay umaaray na ang mga retailers sa bansa lalo’t nabigla ang lahat sa inilkabas na kautusan ng Malakanyang.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Orlando Manuntag, Co-Founder Philippine Rice Industry Stakeholder Movement (PRISM) at CEO ng Goldmine Farm to Market, sinabi nito na sana ay hayaan muna ang mga retailers na maubos ang kanilang stock na bigas na nakuha sa mataas na halaga.

Iginiit rin ni Manuntag, na kung ang ayuda ng pamahalaan ay tutugma sa ikinalulugi ng mga maninindahan ay hahayaan nilang ibenta sa itinatala ng executive order no. 39, ngunit kung palagi aniya silang mag-aabuno ay malulugi talaga ang karamihan sa kanila.

Kung maalala, wala pang kautusan na nagsasabi kung hanggang saan o kailan tatagal ang rice cap na nag aatas na P41 pesos kada kilo ang presyo ng Regular Milled Rice habang P45 kada kilo naman ang Well-Milled Rice.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *