Padre de Pamilya, nakuryente- patay

Patay ang isang Padre de Pamilya matapos na makuryente nitong Linggo, March 12, 2023 sa Purok Makabayan, Barangay New Agutaya San Vicente, Palawan.

Sa ulat ng Provincial Police Office ang Biktima,  kinilalang ang biktima na si Jefrey Aban Caldigas, 37 anyos, magsasaka at residente sa nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, asi Jefrey ay nakita na lamang na nakahandusay sa malapit sa extension wire sa isang kubo sa gitna ng palayan.

Bandang alas-syente ng umaga umano nang magpaalam ito na bibisita sa kanyang palayan bago sya nakitang patay.

Isinugod pa umano sa ospital ang biktima subalit huli na ang lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *