Padre de pamilya sa Camarines Sur- patay nang tamaan ng kidlat

CAMARINES SUR- Isang buhay nanaman ang nawala dahil sa kidlat.

Sa Milaor Camarines Sur , binawian ng buhay ang 53-anyos na padre de pamilyang si Antonino Almayda Sr. kagabi Agosto 10, 2023.

Sa salaysay sa Brigada News FM Naga ng anak na si Rey, sobrang lakas ng ulan, kulog at kidlat kagabi, pasado alas-7 nang piliitin niyang puntahan ang ama na nagpapa tubig sa sakahan upang dalhan ng pagkain. Ikinabigla nito nang makitang nakahandusay ang ama, sinubukan nitong i-revive, dinala sa ospital pero hindi nakaligtas.

Naniniwala ang mga residente sa lugar na tumama ang kidlat sa puno ng niyog at tumulay sa wire kung saan sumilong ang biktima.

Naiwan ni Antonino ang maybahay nito at 7 na mga anak.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga nasa open field tuwing may malakas na kulog at kidlat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *