Pag-aaralan ng provincial government kung ano ang dahilan at pwedeng solusyon sa pagbulusok ng agriculture sector sa Camarines Norte.

CAMARINES NORTE – Kasunod yan ng ipinalabas na report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na sa tatlong major industry sa lalawigan ang agriculture sector ang pinaka bumulusok.

Sa kaniyang presentation sa Provincial Product accounts dissemination forum, sinabi ni Planning Officer IV Teodoro Licarte ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) na pwede nilang pag- aralan at tingnan ang spatial approach o kung gaano kalaki ang i- allocate sa agricultural land, services at industry sector gayundin sa residential areas.

Isa umano sa posibleng nagpabagal sa paglago ng agrikultura ay ang conversion ng agricultural land.

Kung titingnan aniya ay generally agricultural land talaga ang Camarines Norte na nasa 79. 14 %.

Sa kabila nito 19. 5 % lang ang share ng agriculture forestry and fishing sa ekonomiya ng lalawigan kaya lumalabas na malaki ang nasasayang at hindi productive ang 80 % ng kalupaan.

Posible ring dahilan umano ng mababang produksyon sa agrikultura ay ang pag shift ng trabaho ng mga magsasaka.

Isa pa aniyang problema ay nagkakaedad na ang mga magsasaka at wala namang pumapalit sa kanila kaya posibleng sa mga susunod na taon ay wala nang magsaka.

At bagamat lumago ang ekonomiya ng Camarines Norte sa 6. 6 % noong 2022 mabagal pa rin umano ito kumpara sa 6. 9 % noong 2021. Ayon naman kay Chief Statistical Specialist Florande Polistico ng PSA Central Office, malaking hamon talaga ang pag- sustain ng economic growth.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *