Pag-inom ng dugo ng buwaya, mabisang pampalakas umano ng katawan ng isang lalaki sa Thailand

Lagi bang nanghihina ang pangangatawan mo at mabilis mapagod?

Para masolusyonan ‘yan, papayag ka ba na uminom ng dugo ng buwaya na isa umanong mabisang pampalakas ng katawan?

Isang 52 anyos na nagngangalang Rojakorn Nanon na negosyante sa Trang Thailand ang mistulang ginagawang energy drink ang pag-inom ng dugo ng buwaya.

Tuwing umiinom raw siya nito ay talagang lumalakas ang kaniyang pangagatawan at malayo sa dati niyang estado na madaling manghina.

Natutuhan niya umano ito sa kap’wa negosyante na nagpapalakad ng isang crocodile farm sa Ban Pho District na talagang nakapagbibigay raw ito ng ibang lakas.

Mula noon ay talagang nakahiligan na niya ang uminom nito ngunit, hinahaluan niya ito ng Lao Khao na isang uri ng alak sa Thailand dahil umano sa isa hanggang dalawang baso lamang ng dugo ang puwede makuha sa isang buwaya.

Sa ngayon, nang mapag-alaman ito ng ilang Doktor sa lugar ay ipinaalam nito na hindi raw ligtas ang pag-inom ng hilaw na dugo at maaari umanong makakuha ng parasites mula rito. |𝗪𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗟𝗜𝗦𝗔𝗬

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *