Pagbabakuna sa Legazpi Convention Center pansamantalang itinigil dahil sa pagdagsa ng tao

LEGAZPI-Pansamantalang kinansela ngayong araw ang nagpapatuloy na pagbabakuna ng Covid-19 Vaccine sa Legazpi City Convention Center matapos dumugin ng tao.

Sa panayam ng Brigada News Fm Legazpi kay Rolly Esguerra, head ng Public Safety Office o PSO Legazpi, dahil sa reklamong nakaabot sa office of the mayor, minabuti nilang itigal ngayong araw ang pagbabakuna para magsagawa ng meeting sa kung paano iaakomoda ang pagdagsa ng mga nagpapabakuna simula sa A1-A4 Category.

Ito kasi umano ay matapos ng namataan na napakahabang pila ng mga gustong magpabakuna.

Ayon kay Esguerra, ilan umano sa mga ito ang alas 4 pa ng umaga nakapila ngunit inabot pa umano ng hapon bago maakomoda kung kaya binago nila ang sistema.

Ang lahat umano na mga pumila ang mayroon ng priority number sa bawat nakatalaan na oras.

Dahil dito, di na kailangan pang mag-antay na maabakunahan dahil maaari ito bumalik sa oras ng kanyang schedule.

Samantalang simula bukas, ang lahat ng nakapag-online regitration simula Marso hanggang Mayo 15, ang prayoridad na mabakunahan at ang mga huli ng nakapagrehistro online para sa QR Code, ang nakaschedule sa darating na mga araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *