Pagbabakuna sa mga batang edad 5- 11 taong gulang sa Camarines Norte nasa pangalawang linggo na ngayon

CAMARINES NORTE- Nagpapatuloy ang pagbabakuna sa mga batang edad 5- 11 taong gulang sa lalawigan ng Camarines Norte na nasa  pangalawang linggo na ngayon.

Sa bayan ng Mercedes ay ginagawa ang pagbabakuna sa naturang age group sa Municipal Health Center, Pambuhan Lying- In Clinic, at Catandunganon Health Center.

Ngayong araw ay mayroon ding bakunahan para sa naturang age group sa Tarum Covered Court at Catandunganon Health Center.

Ginawang child- friendly  atmosphere ang mga vaccination site para malibang ang mga bata.

Sa Barangay Catandunganon ay may mga lobong iba’t- ibang kulay.

Noong ilunsad ang bakunahan para sa mga edad 5- 11 anyos sa Camarines Norte Provincial Hospital Martes nang nakaraang linggo ay tampok rin ang mga lobo at super hero characters.

May grupo rin na namigay ng mga laruan sa mga bata pagkatapos magpabakuna.

Ganito rin ang ayos sa Central Plaza Mall  sa stage at iba’t- ibang table.

Una nang hinimok ng Provincial Health Office ang mga LGU na gawing kaaya- kaaya aya sa mga bata ang vaccination site.

Sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center, nasa 1,067 na ang nabakunahan sa naturang age group hanggang noong Biyernes ng umaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *