Pagbabakuna sa Senior citizens walk-in pwede na; OFW pwede walk in pero may kondisyon sa Batangas City

Batangas -May tsansa na ang mga senior ciizens at mga Overseas Filipino Workers na mabakunahan agad ng walang kaukulang iskedyul kaakibat ang ilang mga kondisyon sa Batangas City.

Ayon sa impormasyon, ipinagbabawal pa rin ang “walk in” sa mga vaccination sites sa Lunsod ng Batangas  ngunit ang mga senior citizens ay maari na dumiretso sa Batangas City Convention Center upang magpabakuna ayon yan a national government advisory habang ang mga OFW ay papayagan din mabakunahan sa puntong may patunay na sila ay nakatakdang umalis ng bansa sa loob ng apat na buwan at may kumpletong requirements ayon  sa National COVID-19 Vaccination Operation Center, Advisory No. 53 at nakadepende pa rin sa bakuna meron ang lokal na pamahalaan na nagmula sa DOH.

Inaasahang 2,000 katao na ang mababakunahan sa Batangas City Convention Center, 1,500 sa SM City Batangas at 200 naman sa Xentro Mall.

Samantala, maaari namang  mag- email sa [email protected] o magpadala ng sulat sa Public Information Office (PIO) sa City Hall  ang mga kumpanya, business establishments, at mga pribado at publikong tanggapan na nagnanais na mabakunahan ang kanilang  empleyado na kabilang sa A4 priority group.

Ang mga sulat  na ito ay ipo- forward ng PIO sa City Health Office (CHO)  para mai- lista ang mga ito.

Sa huli hinihiling ng CHO na maghintay ng kanilang tawag para sa vaccination schedule.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *