Pagbabayad ng Covid-19 RT-PCR testing sa Bicol-South Luzon Sub National Reference Laboratory (BSL-SNRL), maaari nang gawin via online banking

INANUNSYO ngayon ng Department of Health – Center for Health Development – Bicol ang bagong proseso ng pagbabayad ng covid-19 RT-PCR testing sa Bicol-South Luzon Sub National Reference Laboratory (BSL-SNRL).

Simula kasi ngayong buwan ng Oktubre ang pagbabayad sa serbisyo ng swab testing sa nasabing laboratoryo ay maaari nang gawin sa pamamagitan ng online banking via LandBank Link.BizPortal.

Ang order of payment umano ay ipapadala ng BSL-SNRL personnel sa  kliyente via e-mail at carbon copy sa cashier section bilang basehan ng pagbabayad.

Layon nitong gawin mas madali at magkaroon ng ligtas na platform para magabayan ang mga indibidwal na magbabayad ng kanilang mga covid-19 test para sa trabaho o travel purposes.

Para makapagbayad online, i-access ang www.landbank.com, i-click ang Link.BizPortal at piliin and DOH CHD-Bicol bilang merchant.

Pagkatapos makapili ng payment gateway option at punan ang iba pang detalye sa pagbabayad kung saan hihingiin ang One-Time Passoord at ATM Pin.

Oras na matagumpay na nakapagbayad ay makikita ng kliyente sa screen ang confirmation receipt na maaaring i-print at otomatikong ipapadala rin sa cashier ng DOH-Bicol para makagawa ng official receipt.

Samantala, makakatanggap din ng e-mail ang kliyente ng kopya ng resibo na kaniya namang ipapakita sa pagtungo sa BSL-SNRL para naka-schedule na swabbing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *