Pagdami ng Chinese sa Cagayan – iimbestigahan na

Iimbestigahan na rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ang Philippine National Police (PNP) ang napaulat na dumaraming presensiya ng Chinese students sa Cagayan Valley.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Padilla, aalamin nila ang katotohanan dito at kung may kahina-hinala bang aktibidad na ginagawa ang mga ito.

Paliwanag nya, bagaman inalalarawan ng isang mambabatas na alarming ang sitwasyon, masyado pang maaga para ituring din itong alarming ng AFP.

Magkakaroon pa kasi sila ng assessment sa mga makakalap na impormasyon sa ground.

Nabatid na sa ngayon ay may panawagan nang imbestigahan ang pagdagsa ng mga Chinese student sa Cagayan.

Base pa sa impormasyon ay may isang paaralan pa nga ay umaabot ng 4, 600 ang estudyanteng Chinese.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *