Pagdaragdag ng mga isolation facility magdedepende sa mga naitatalang kaso ng COVID- 19

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magdedepende sa mga naitatalang kaso ng COVID- 19 ang pagdaragdag ng mga isolation facility.

Ayon kay District Engineer Edwin Bermal may programa talaga ang ahensiya para dito pero hindi lahat ng request sa Central Office ay napagbibigyan.

Sa katunayan sa siyam na isolation facility para sa lalawigan ng Camarines Norte na hiniling noon ng District Engineering Office na mapondohan ay tatlo lang umano ang naaprobahan.

Isa dito ay ang sa Barangay Camambugan dito sa bayan ng Daet na nagsisilbi umanong screening area para sa mga biyahero na pumapasok sa lalawigan.

Ang naturang pasilidad ay nai- turn over sa Lokal na Pamahalaan noong Disyembre na mayroong 30 bed capacity.

Ang pondo na nagkakahalagang limang milyong piso ay mula sa 2020 Quick Response Fund (QRF) ng DPWH.

Mayroon pa naman umanong on- going na construction ng isolation facility na malapit na ring matapos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *