Rockfall incident nairihistro sa Brgy. Calayucay Sto Domingo Albay

Nagpalabas ngayon ng advisory ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Sto Domingo patungkol sa mga namonitor na insidente ng rockfall o pagguho ng mga bato sa bahagi ng Suhoton barangay Calayucay, ng nasabing bayan.

Resulta umano ito ng ilang araw na naranasang pag uulan na nagdala ng nasabing pagguho at paglambot ng lupa. Aniya, maraming beses na ito nangyari na kung saan isa ito sa mga prone na lugar sa lanslide.

Samantalang inabisuhan rin ang mga motorista na syang kadalasang dumadaan sa nasabing lugar. Bilang alternatibong solusyon, naglagay na sila ng mga early warning device at sinagawa naman agad ng LGU ang clearing operation.

Paglilinaw naman nito na passae amg lugar ngunit dapat umano mag doble ingat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *