Paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas, magpapababa ng terrirorial integrity – DILG

Nagpahayag din ng pagtutol ang Department of the Interior and Local Government o DILG, sa panawagan na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos na walang magandang maidudulot sa bansa ang naturang panawagan at magpapababa lang ito sa territorial integrity ng bansa.

Hindi raw sagot ang secession sa mga isyu at pangangailangan ng Mindanao.

Dagdag pa ng opisyal, sisira din ito sa deka-dekada nang pagsisikap na itaguyod ang pagkakaisa sa lahi at mamamayan.

Ipinaalala ni Abalos na ang karapatan ng mga tao sa self-determination, tulad ng pagsusulong ng political, economic, social, at cultural development ay dapat isakatuparan alinsunod sa alituntunin ng isang estado.

Sa huli, hinimok ni Secretary Abalos ang lahat ng stakeholders na panatilihin ang pagpapahalaga sa integridad ng Saligang Batas para sa isang matatag at nagkakaisang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *