Pagiging epektibo ng Rapid Antigen Test sa border control checkpoint pinag- aaralan ng IMT

CAMARINES NORTE- Pinag- aaralan umano ngayon ng Provincial Incident Management Team kung epektibo ba talaga ang rapid antigen test na ginagawa sa border control checkpoint ng probinsiya.

Ayon kay acting Provincial Health Officer at Incident Commander for Health Dr. Arnel Francisco napag- usapan na umano nila ang bagay na ito sa pagpupulong ng IMT.

Tugon ito ng opisyal matapos matanong kung may posibilidad ba na ang Provincial Government o ang PHO na  lamang ang mag- administer ng test upang mas mura o baka pwedeng libre na lang ito.

Nang matanong naman ito kung may possibilidad ba na alisin na ang Rapid- Antigen test bilang requirement sa pagpasok sa lalawigan, sinabi ni Francisco na hindi lang ang tungkol sa pagre- require nito ang subject sa rebyu hinggil sa mga polisiyang ipinatutupad sa paglaban kontra COVID- 19 kundi maging ang iba pang programa.

Aniya lahat umano ng kanilang ipinatutupad sa IMT ay masusing pinag- uusapan kung ano ang mas magandang sistemang ipapatupad.

“Sa lahat naman ng programa sa lahat ng ating strategy yan naman po ay inuulit- ulit natin yan, yan ba ay maganda o hindi kasi siyempre wala namang sistemang talagang perpekto, “ ani Francisco.

 “Sa aming side lang tintingnan namin yung mga ginagawa namin kung effective o hindi, kami- kami rin nag- uusap hindi porke pinagawa namin yun, yung pinasulat namin at inadvise sa ating mahal na gobernador ay perpekto na po yun, kaya kami once in a while kaya nga Monday at Friday meron kaming pag uusap para ipa- polish at sasagutin yung mga napupuna ng ating mga kababayan”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *