Camarines Sur may 88.6% TB success rate

NAGA CITY- World’s Most Infectious Killer ang tuberculosis ngunit 88.6% naman sa kaso nito ang nagagamot sa Camarines Sur dahil sa mga programa ng Department of Health.

Mataas na porsyento sana subalit ayon kay  Dr. Janish Alcala Arellano, National TB Program (NTP) Regional coordinator, target nila ang 90% pa at pataas kung kaya’t pinapatibay pa ang mga programa mula sa mga barangay, munisipyo at mga ospital sa buong rehiyon.

Sa DOH Race to End TB Quarter 2 Awards kahapon, nakuha ng Cabusao Camarines Sur ang bronze award sa kategoryang Bacteriologically Confirmed o BC Treatment Enrollment sa average na 93.33%. Silver ang Matnog habang nakuha ng mga bayan na Sta. Elena, Talisay at Jovellar ang Gold.

Kasabay ng paglaban sa COVID-19, hinihikayat din ng DOH ang may sintomas ng TB na mag pa check-up upang mabigyan ng kaukulang gamot at hindi na makahawa pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *