Pagkikitang muli ng mag-inang 2 taon nagkahiwalay sa Naga City, naging madamdamin

NAGA CITY – Naging madamdamin ang pagtatagpo ng mag-inang nagkahiwalay sa loob ng dalawang taon sa Naga City ng muling magkita sa City Social Welfare and Development Office noong nakaraang araw .

Hindi napigilan ng mga personahe ng CSWDO na maiyak ng makita ang pagyayakapan ng mag-ina na pansamantalang nagkahiwalay dahil sa na-confine sa psychiatric department ng Bicol Medical Center ang ina ng bata.

Sa panayam, ng Brigada News FM Naga kay Gloria Rodriguez, Admin Aide 1 ng naturang opisina sinabi nitong hindi residente ng Naga ang mag-ina kundi mga taga Baybay, Leyte.

Kuwento ni Rodriguez,napadpad ang mag-ina sa lungsod noong kasagsagan ng pandemya at dahil sa sobrang restrictions hindi ito nakauwi sa Leyte.

Naging palaboy ang mga ito sa lungsod bago pa sila na rescue nina Rodriguez.

Dinala sa mental hospital ang ina dahil sa nawala na ito sa katinuan at ang bata ay nanatili muna sa kanilang pangangalaga.

Anya’y  tuluyan ng bumalik sa dating katinuan ang ina kaya inilabas na nila ito at tinulungang makabiyahe na pabalik ng Leyte kung saan naghihintay ang panibagong bukas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *